VIRAL: Ilang Kabataan, Pilitang Inaagawan si Lolo!

Maraming kabataan ngayon ang gumagawa ng krimen dahil alam nilang abswelto sila sa batas dahil nga sila ay menor de edad.

May panibagong video naman ang nahuli-cam ng isang Netizen tungkol sa pag-atake ng ilang kabataan sa isang jeep na may mga pasahero at lakas loob na nang-aagaw ng gamit na hindi sa kanila.

Kawawang Matanda

Sa video, nagsimula ang pagkabit ng ilang kabataan sa jeep ng bigla nalang nila pasukin. Nagsilabasan ang ilang pasahero at nakakagulat ang sumunod na pangyayari.

Dito na makikita ang kawawang matanda na pilit inaagawan ng kanyang hawak na supot. Kahit nadadapa na ito ay linakasan niya parin ang kanyang loob na higpitan ang pagkakapit sa kanyang dalang supot para hindi makuha ng mga kabataan ito.

Ang post ng Netizen

Ito ang sabi ni Nathaniel Javier Jamolin sa kanyang viral post.

“September 14, 2018. 1:15 pm along Taft avenue, Pedro gil.

Akala ko, yung mga batang nang aagaw ng pagkain na naman ito. Pero grabe, kawawa naman si tatay. Hindi ko alam kung ano yung inaagaw nila kay tatay. Kung makikita nyo po may hawak na stick yung batang naka green.

Shinare ko po itong video para po maging aware ang mga commuters lalo na yung mga nag je-jeep at mga kina uukulan ng Maynila na maraming nag kalat na mga gantong klaseng mga kabataan at hindi mag pasikat.

PS. Hindi ko po natulungan si tatay ng oraas na yan. Nangyari pong nasa loob po ako ng bus. Na isipan ko pong i video po kasi akala ko mga snatcher lang, yun po yung unang naisip (mag video) agad para ma report po sa police and sa kinuukulan po. Nagulat po ako matanda pala ung inaabuso sa loob. Na report ko na din po ito sa DSWD, PNP at kay Mayor Erap po. Pinost ko naman po para po sa awareness ng mga commuters na mag ingat sa lansangan.

Tumawag na rin po ung staffs ng isang news program sa PNP. Bibigyan na lang daw po ako ng updates sa operation na gagawin ng PNP kung sakaling meron man.”

Trending na!

Ang nasabing video post ay subrang viral na ngayon dahil umabot na ito sa 2-milyon views sa loob lamang ng 6 na oras.

Ito naman ang naging komento ng ilang kababayan natin na nakapanood sa video.

SOURCE: Facebook

What do you think about this article? Make sure to leave a comment below!
Loading...
Tell Us What You Think